Malaking tulong umano sa imbestigasyon ng Senado ang ipinataw na suspensyon ng Office of the Ombudsman sa ilang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa kontrobersyal na good conduct time allowance (GCTA) for sale.
Ayon kay Senate committee on justice chairman Sen. Richard Gordon, sa nasabing development ay maiiwasan umano na makaimpluwensya pa ang mga ito sa ibang trabaho ng BuCor.
Una rito, binigyan ng preventive suspension ng anti-graft body sa loob ng anim na buwan ang 27 opisyal at tauhan ng bureau.
Kabilang sa mga suspendido sina:
CO1 Jomar Coria
CInsp. Roy Vivo
CSSupt. Wildfredo Bayona
C03 John Edward S. Basi
CInsp. Abel Dr. Ciruela
CCInsp. Roger Boncales
PGII Eduardo M. Cabuhat
Ma. Lourdes Razon, MD
Mary Loy Arbatin
Susana Ortega
PGIII Anthony Nupable Omega
PGII Antonio Calumput
PSupt. Roberto Rabo
CCInsp. Jones Lanuza
CSO1 Victor de Monteverde
CTSO2 Ramoncito D. Roque
CInsp. Benjamin B. Barrios
CSupt. Gerardo F. Padilla
PSII Francisco B. Abunales
CSSSupt. Celso S. Bravo
CSSupt. Melencio S. Faustino
CTO3 Cherry V. Caliston
Ruelito D. Pulmano
CInsp. Emerita Q. Aguilar
CInsp. Raymund Peneyra
Maribel Bancil
Veronica Buño
Habang ang testigo namang bilanggo na si Godfrey Gamboa ay mananatili muna sa kostudiya ng Senado dahil kakailanganin pa ang kaniyang testimonya sa mga darating na araw.
Ang susunod na hearing ay itinakda sa Huwebes, Setyembre 12, 2019, alas-10:00 ng umaga.
Naniniwala ang inmate na papatayin siya kapag ibinalik ngayon sa New Bilibid Prisons (NBP) matapos tumestigo.
Kaya humiling si Sen. Panfilo Lacson kay Justice Sec. Menardo Guevarra para sa legal guidance ng pagkostudiya nila kay Gamboa.