LEGAZPI CITY- Lifted na ang suspensyon ng biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Matnog port sa Sorsogon.
Ito’y matapos ang ginawang assessment ng Philippine Coast Guard kasunod ng sama ng panahon na dala ng bagyong Amang.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Matnog Port Acting Division Manager Achilles Galindes, hinihintay na lang ang pagdating ng mga barko na pagsasakyan ng mga nastranded na pasahero.
Inaasahan ng hindi pa mauubos ang lahat ng mga pasahero ngayong araw dahil sa backlog sa dami ng mga nagsidatingan na pasahero magmula pa kahapon.
Tiniyak naman ng opisyal na patuloy ang kanilang operasyon upang matulongang makapunta sa kanilang destinasyon ang mga pasahero lalo na ang mga umuwi noong Holy Week at inabot na ng sama ng panahon.
Base sa pinakahuling tala, umabot sa mahigit 1,200 na pasahero at 260 mga sasakyan ang na-stranded sa pantalan.