BAGUIO CITY – Posibleng tatagal hanggang sa Hunyo ang suspensiyon sa mga klase sa Baguio City.
Una nang sinuspendi ni Baguio Mayor Benjamin Magalong ang klase sa lahat ng lebel sa lungsod hanggang Mayo 30 dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ng alkalde na pinag-aaralan niya ang ideyang magtatagal hanggang Hunyo ang suspensyon ng klase sa Baguio City.
Aniya, halos 50 porsyento sa mga mahigit 53,000 na estudyante sa kolehiyo at senior highschool sa Baguio City ay mula lowlands at iba pang lugar.
Iginiit ng alkalde na hindi basta-basta na maaaring muling magbukas ang mga paaralan sa lunsod dahil sa posibilidad na lalong pagkalat ng COVID 19 sa Baguio City.
Idinagdag ni Magalong na maaari namang mai-adjust ang school year dahil hindi naman ito maituturing na ‘matter of life and death’.