Naniniwala ang MalacaƱang na walang epekto sa bilateral relations ng Pilipinas sa 18 bansa ang naging utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagsuspinde sa anumang loan, grants o transaksyon mula sa mga bansang bumoto pabor sa resolusyon ng Iceland na paimbestigahan ang umano’y human rights violation sa ilalim ng anti-drugs war ng Duterte administration.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi lang naman limitado sa loans ang bilateral relation ng Pilipinas sa ibang mga bansa.
Ayon kay Sec. Panelo, halimbawa rito ang territorial dispute ng Pilipinas at China kung saan hindi lang dito umiikot ang relasyon ng dalawang bansa at mga aspeto pa ring pinagtutulungan.
Samantala, inamin din ni Sec. Panelo na sariling desisyon at hindi nagkonsulta si Pangulong Duterte sa gabinete ang pagsuspinde ng negosasyon ng anumang loan o grant mula sa 18 bansa.
Inihayag ni Sec. Panelo na isa itong political statement sa 18 bansa na hindi nila basta-basta dapat gawin ang pakikialam sa internal affairs ng Pilipinas.