Pinalawig pa umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ng anim na buwan ang suspensyon sa termination ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sa isang pahayag, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ang pasyang ito ng Pangulong Duterte ay upang mabigyan pa ng pagkakataon ang magkabilang panig na makabalangkas ng mas pinaganda, mas kapaki-pakinabang at mas epektibong kasunduan kaugnay sa usaping depensa ng dalawang bansa.
“The past four years have changed the South China Sea from one of uncertainty about great powers’ intentions to one of predictability and resulting stability with regard to what can and cannot be done, what will and will not be acceptable with regard to the conduct of any protagonist in the South China Sea. Clarity and strength have never posed a risk. It is confusion and indecision that aggravate risk,” saad ni Locsin sa pahayag kay White House National Security Adviser Robert O’Brien.
“A great deal of credit for the renewal of stability and security goes to deft diplomacy, unequivocal expressions of policy, sturdy postures of strength combined with unfailing tact, and pragmatic national security advice exhibited by both our governments in the same period.”
Noong Enero 23 nang bigyan ni Pangulong Duterte ng 30 araw ang pamahalaan ng Amerika upang ayusin ang kanselasyon ng visa ni Sen. Ronald dela Rosa kundi ay kanyang ibabasura ang dalawang dekada nang VFA.
Tuluyang kumalas ang Pilipinas sa defense deal noong Pebrero 11.
Ngunit Hunyo 1 nang suspindihin ng Pangulo ng anim na buwan ang pagkansela sa VFA dahil sa coronavirus pandemic.