Sinabi ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na ang pagsususpinde sa mga buwis sa gasolina ay ang pinakamahusay na paraan upang mabigyan ng agarang tulong ang mga Pilipino.
Ito ay sa gitna pa rin ng sunud-sunod na taas-presyo sa produktong petrolyo sa bansa.
Ipinahayag ito ni Defensor matapos na tawagan ng MalacaƱang ang Kongreso upang atasan na repasuhin ang Republic Act No. 8479, o ang 1998 Downstream Oil Industry Deregulation Act.
Aniya, dapat na talakayin ng Kongreso ang iba pang hakbang na tutugon sa mga pagtaas ng presyo ng langis sa bansa, kabilang na ang pagsuspinde sa excise sa gasolina kung sakali mang magsagawa ang mga ito ng special session para suriin ang oil deregulation law.
Habang isinusulong niya raw ang pagsuspinde ng buwis sa gasolina sa loob ng tatlong taon, ay susuportahan din niya ang pagpapanumbalik ng mekanismo ng pagsususpinde ng buwis sa langis sa ilalim ng Section 43 ng Tax Reform Acceleration and Inclusion Law.
Samantala, nakasaad sa Section 43 ng naturang batas na isasagawa ang pag-iimbak ng mas mataas na singil sa langis sa tuwing aabot sa USD80 kada bariles ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkaso na naipatupad lamang noong taong 1998 hanggang 2000 matapos itong mabigyang bisa.