Suspindido ngayon ang karamihan sa mga klase sa Metro Manila bunsod pa rin ng tatlong araw na transport strike na isinagawa ng grupong Manibela.
Inumpisahan ng grupo ang strike noong Biyernes, Marso 21 para sa panawagan na itama ang mga hindi umano’y mga maling consolidation figures sa ilalim ng Public Transportation Modernization Program (PTMP).
Ilan sa mga paaralan na nagkansela ng klase sa lahat ng antas ay ang mga sumusunod:
-Adamson University
-Colegio de San Juan de Letran
-De La Salle University (Manila at Laguna na magtatagal hanggang Marso 26)
-Far Eastern University
-Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
-University of Sto. Tomas
Habang nagkansela naman ng klase para sa antas ng Senior High School ang paaralan ng Mapua University sa Intramuros at maging sa bahagi ng Makati.
Sa ngayon, nagpakalat na ang Department of Transportation (DOTr) sa tulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga libreng sakay sa ilang bahagi ng Metro Manila.