Ngayong araw ng Martes, March 15, mag-aanunsyo ang IATF ng susunod na alert level para sa buong bansa.
Ito ang ipinaabot na abiso ngayong araw ng Malacanang na posible umanong ilabas dakong hapon.
Ipinaaabiso rin ng Palasyo na bukas ng gabi gagawin ang “talk to the people” ni Pangulong Rodrigo Duterte na karaniwang ginagawa tuwing Lunes ng gabi.
Inaasahang ihahayag dito ang kasalukuyang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa at ang mga hakbang ng pamahalaan para paghandaan ang alert level zero.
Hanggang bukas tatagal ang alert level 1 sa National Capital Region at 39 na iba pang mga lugar sa bansa.
May una na ring pahayag si Health Secretary Francisco Duque III na may iba pang mga lugar ang inaasahang madaragdag na ring mapasailalim sa alert level 1.
Inaasahan ding iri-report ng ilang miyembro ng gabinete kay Pangulong Duterte ang update hinggil sa mga usapin na kakambal ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produkyong petrolyo at ang mga kaparaanang ipinatutupad ng pamahalaan para maibsan ang bigat nito sa mga apektadong sektor tulad ng fuel subsidy sa mga pampublikong tsuper at fuel voucher assistance para naman sa mga mangingisda at magsasaka.