Hindi na umano magiging parang Bible debate ang mga susunod na diskusyon ukol sa panukalang death penalty revival sa Senado.
Ito ang sinabi ni Senate President Vicenter “Tito” Sotto III, kasunod ng banggan kahapon nina Sen. Manny Pacquiao at Senate Minority Leader Franklin Drilon ukol sa pagsasabatas ng parusang bitay.
Ayon kay Sotto, siya na ang sasalang sa susunod na debate sa plenaryo dahil ang kaniyang version naman ang hihimayin.
Batay sa isinusulong ni Sotto, tanging ang mga mahahatulan lamang na guilty sa major drug cases ang maaaring mahatulan ng parusang kamatayan.
Habang sa ibang pending bills at maging sa isinusulong ng Pangulong Rodrigo Duterte ay nais ibilang ang plunder sa mapapatawan ng capital punishment.
Mayroon namang panukala na isama sa mapaparusahan ng bitay ang mga nagkasala ng mga karumal-dumal na krimen.