-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pagbabago sa bansa ang pangunahing rason ng grupong Sara Philippines sa pagdalo nito sa ginawang National Rally for Peace na inorganisa ng simbahang Iglesia ni Cristo sa buong bansa kahapon.

Ayon kay alyas Fe, miyembro ng nasabing grupo, pagod na sila sa lumang sistima ng gobyerno, kung kaya’t naki-isa din ang kanilang grupo sa isinusulong ng Iglesia ni Cristo na kapayapaan at pagbabago.

Maalalang nasa 1.8 million mga membro sa Iglesia ni Cristo ang dumalo kahapon sa nasabing rally sa Maynila, at mahigit isang milyon naman ang dumalo sa iba’t-ibang lokasyon sa buong bansa bilang suporta kay bise Presidente Sara Duterte sa kinakaharap nitong problema sa impeachment.

Ayon naman kay alyas Fe, ipinaubaya na lang ng kanilang grupo sa paglipas ng panahon ang kapalaran ng Bise Presidente.