LAOAG CITY – Nakadepende kung uuwi sa Pilipinas si suspended Cong. Arnolfo Teves Jr. ang susunod na hakbang ng House of Representatives hinggil sa kinakakaharap nitong kaso.
Ayon kay Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos, titignan nila at malalaman nila kung ano ang kanilang gagawin kung uuwi o hindi si Teves.
Sinabi nito na kung hindi uuwi sa Pilipinas ni Teves kahot tapos na ang 60-day suspension nito ay mapipilitan umanong gumawa ng aksyon ang Committee on Ethics.
Dagdag nito na dahil hndi umano nakinig si Teves kay House Speaker Martin Romualdez sa pagpapauwi nito sa kanya sa bansa ay napilitan silang suspendihin ito.
Sa ngayon ay hindi pa batid ang eksaktong lugar kung nasaan si Teves.
Maalala na itinuring ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang “highest mastermind” ken “financier” si Teves.