Hinihintay na ngayong araw ang pag-anunsyo ng bansang Iran sa mga susunod nitong hakbang matapos nitong umatras mula sa 2015 nuclear deal kasama ang Estados Unidos at iba pang bansa.
Una na rito ay binigyan ni Iranian President Hassan Rouhani ng isang buwang palugit ang mga bansa tulad ng United Kingdom, France, Germany, China at Russia upang ipatupad ang pangako nilang protektahan ang langis at banking sectors mula sa sanctions na ipapataw ng United States sa naturang bansa.
Muli itong inulit ni Rouhani ang ultimatum noong nakaraang linggo at kamakailan lamang nang kumpirmahin nito na tinaasan pa lalo ng International Atomic Energy Agency ang produksyon ng uranium sa bansa.
Ikokonsidera rin umano ng Iran ang pagtalikod nito sa Nuclear Nonproliferation Treaty (NPT) sa oras na bigong gampanan ng Europe ang kanilang tungkulin sa nasabing agrrement bago matapos ang 60 araw na deadline.