Iginiit ng isang political analyst na kailangan kilala ang magiging susunod na lider ng Kamara.
Sa isang panayam, sinabi ni Ranjit Rye na papaano raw maikakatawan ng isang speaker-aspirant ang Kamara kung hindi naman ito kilala.
Binigyan diin nito na hindi madaling trabaho ang maging lider ng Kamara at ang higit na kailangan dito ay experience at pagiging kilala.
Kabilang sa mga speaker-aspirants ay sina dati nang kongresista na si Leyte Representative-elect Martin Romualdez, dating Senator at kasalukuyang Taguig City Representative-elect Allan Peter Cayetano, dating Speaker Pantaleon Alvarez, Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Dong Gonzales, at ang bagito na si Marinduque Representative-elect Lord Alan Velasco.
Ibinunyag ng isang kongresista na tumangging magpabanggit ng pangalan na dahil mahigpit ang speakership race sa ngayon, nakatanggap daw siya ng gift bags na may tatak na San Miguel Corp.
Bukod dito, nakakuha rin daw siya ng isang high-end cellphone mula kay Velasco noong buwan ng Mayo o ilang araw lamang pagkatapos ng midterm election kung saan alam na ang mga nanalong mambabatas na bubuo ng 18th Congress.
Hindi naman nya makumpirma kung lahat silang mambabatas ang binigyan o iilan lamang.
“Mahilig syang mamigay marahil dahil balak na nyang tumakbo bilang Speaker†saad ng naturang kongresista.
“Sa totoo lang, hindi naman kailangan ng ganitong mga regalo pero ito ang paraan nya ng pagpapakilala dahil hindi nga siya nakilala sa debate o advocacy o performance kaya hindi matunog ang pangalan nya sa halls ng House of Representatives†dagdag pa nito.
Nauna nang ibinunyag ni dating Speaker Alvarez na mayroong vote-buying sa speakership race.
Sinabi naman ni Gonzales na posibleng umabot pa raw ng P7 million ang suhol sa ilang kongresista kapalit ang kanilang boto.
Ayon naman kay ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, may mga business tycoons nang nangingialam sa speakership race para umano sa pansariling interes.