-- Advertisements --
Conor McGregor
Conor McGregor/ IG post

Ibinunyag na ni Conor McGregor kung sino ang susunod na makakalaban nito sa muli niyang paglaban sa Enero.

Ayon kay UFC President Dana White na makakaharap nito si Donald ‘Cowboy’ Cerrone sa UFC 246 sa darating na Enero 18, 2020.

Dagdag pa nito na napirmahan na ni McGregor ang kontrata para sa welterweight fight.

Huling lumaban si McGregor noong Oktubre 2018 ng talunin siya ni Khabib Nurmagomedov.