Hindi pa aprubado ang rekumendasyon ng Joint Task Force for West Philippine Sea na isasama sa gagawing Multilateral Maritime Cooperatibe Activity ang susunod na rotation and resupply mission ng gobyerno sa BRP Sierram Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Magugunita na nuong April 7, 2024 nagsagawa ng kauna-unahang Multilateral Maritime Cooperative Activity ang AFP, United Sstate Indo Pacific Command, Australian Defense Force at Japan Self-Defense Forces sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na ang nasabing usapin ay isa lamang sa kanilang mga rekumendasyon subalit kinakailangan pa ito ng pag apruba ng kataas-taasan.
Sinabi ni Trinidad na lahat ng mga posibleng contingencies ay kanilang kinukunsidera upang maging maayos at mapayapa ang susunod na RORE mission.
Inihayag naman ni Trinidad na kasalukuyang isinasapinal na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang gagawing susunod na RORE mission.
Sa ngayon nakikipagt ugnayan na sila sa liderato ng Western Command hinggil sa nasabing misyon.
Ayon sa opisyal sa sandaling maaprubahan ang kanilang plano kanila naman ito ipa-alam sa publiko ito ang kanilang ipatutupad.
Una ng inihayag ng militar na hindi na mauulit pa ang insidente kahalintulad nuong June 17,2024 kung saan naging mainit ang komprontasyon sa pagitan ng mga sundalong Pinoy at Chinese Coast Guard.