Naniniwala si Senator Imee Marcos na ang susunod na Senate President ay mula sa UniTeam o ang grupo ng kanyang kapatid na si Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Aniya, kailangan daw ay mayroon talagang maasahang isang majority na matibay at mayroong solid na 13 na boto mula sa mga senador.
Sa tingin din umano ni Marcos, napagkasunduan na ng mga senador kung sino ang susunod na Senate President.
Dagdag ng senadora, sa dinami-rami raw na problemang kinahaharap ng ating bansa ay kailangan talaga ang super majority para maipasa nang mabilis ang mga batas na kailangang maipasa.
Una rito, sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Marcos, sinabi nitong hindi niya inaambisyon ang maging Senate president sa 19th Congress.
Una rito, ibinunyag ni Senator Sonny Angara na nagpahayag daw ng interest si Marocs at Senator-elect Loren Legarda ng kanilang interest na maging Senate president pro tempore, pangalawang pinakamataas na posisyon sa Upper Chamber.
Sa ngayon, ang napapaulat na nagnanais na maging Senate President ay si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senator Cynthia Villar, Senator Sherwin Gatchalian at Senator-elect Francis Escudero.
Lumabas naman sa mga ulat na si Villar ang sinusuportahan ni Sen. Marcos.