-- Advertisements --

Ipinagpaliban na sa 2021 ang Suzuki Cup ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito mismo ang kinumpirma ng ASEAN Football Federation na gaganapin sana ang nasabing torneo ngayong taon sa Vietnam.

Naging semifinalist ang Pilipinas noong naganap ang torneo sa taong 2018.

Ayon kay AFF president, Major-General Khiev Sameth, nag-iingat lamang sila sa kalusugan ng mga manlalaro at mga staff.

Noong 2018 ay pumalo sa mahigit 75,000 katao ang nanood sa nasabing torneo.