KALIBO, Aklan — Muling hahanapan ng negatibong RT-PCR test results simula sa Enero 9 ang lahat ng mga turistang bibisita sa isla ng Boracay.
Ito ay batay sa ipinalabas na Executive Order ni Aklan Governor Florencio Miraflores dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID-19 at tumataas na bilang ng mga kaso sa National Capital Region (NCR).
Sa kabilang daku, muling ibinalik ang curfew hours sa isla na alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga habang sa mainland Malay at iba pang bayan sa Aklan ay alas-9:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.
Ito ay mula sa dating alas-11 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.
Simula Oktubre 2021, nakaranas ang Boracay ng biglang pagtaas ng tourist arrivals, kun saan, noong buwan ng Disyembre nakapagtala ng record high na 113,596 sa panahon ng pandemya.
Samantala, maliban sa mga turista, kakailanganin rin ng mga returning Aklanons na magpresenta ng swab test result.
Sa pinakahuling datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), nakapagtala ng pitong bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Aklan.