-- Advertisements --

Nakatakdang ibenta sa auction ang sweater na isinuot ni Lady Diana Spencer.

Ang nasabing sweater ay suot ni Princess Diana sa isang polo match nong 1981 noong siya ay engaged na na kay King Charles III.

Ibebenta ito sa Sotheby’s Fashion sa New York at sa online mula Agosto 31 hanggang Setyembre 14.

Inaasahan naman na ito ay mabibili ng mula $50,000 hanggang $80,000.

Ito rin ang unang pagkakataon na maipakita sa publiko kasabay ng pagsisimula ng New York Fashion Week sa Setyembre 7.