Naibenta sa isang auction sa New York sa halagang $334,000 o mahigit P17-M ang sweater ng Nirvana frontman Kurt Cobain.
Ang nasabing iconic mohair cardigan ay isinuot ni Cobain ng ginawa ang MTV “Unplugged” noong 1993.
Mula noon ay hindi pa ito nailba.
Itinuturing na ang nasabing sweater ay siyang pinakamahal na naibenta sa kasaysayan ng auction.
Ayon kay Darren Julien, pangulo ng Julien’s Auction, na ang mohair cardigan ni Cobain ay siyang itinuturing na “Holy grail” sa lahat ng naisuot ni Cobain.
Kasabay din na naibenta sa auction ang Fender Mustang guitar ni Cobain na kaniyang ginamit noong Utero Tour at ito ay umabot ng $340,000.
Taong 1987 ng sumikat ang bandang Nirvana at noong 1994 ay nagpakamatay si Cobain sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.