Handa ang Sweden na magkaroon ng defense partnership sa Pilipinas kung nanaisin umano ng bansa.
Ito ang naging pahayag ni Swedish Defense Minister Pål Jonson kasabay ng kaniyang pagdalo sa selebrasyon ng Swedish National Day sa Maynila.
Dito, nagpaghayag din ng lubhang pagkabahala ang Defense Minister sa paulit-ulit na mapanganib na maniobra laban sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea at sa buong disputed waters.
Inilarawan pa ni Jonson ang mga aksiyon laban sa tropang Pilipino sa WPS na naglalagay sa kanilang buhay sa panganib at sinisira din nito ang istabilidad sa rehiyon at international norms gayundin banta ito sa seguridad sa rehiyon.
Matapang ding nanindigan si Jonson sa panawagan ng European Union at iba pang mga bansa ng pagtitimpi at buong paggalang sa international law sa layuning masiguro ang mapayapang resolusyon sa pagkakaiba at pagpapahupa ng mga tensiyon sa rehiyon.
Kinilala din ng Defense Minister ang finality ng 2016 Arbitral Ruling at UN CLOs na pumabor sa territorial sovereignty ng PH sa WPS.