-- Advertisements --
Nagtalaga ang Sweden ng kauna-unahang babae bilang Prime Minister.
Inaprubahan kasi ng parliyamento sa Sweden si Magdalena Anderson bilang bagong Prime Minister.
Papalitan nito si Stefan Lofven bilang lider ng centre-left Social Democrats.
Ang Sweden ngayon ang siyang Nordic country na ngayon lamang nakapagpaupo ng babaeng lider.
Si Anderson na dating finance minister ay hindi nagwagi sa halalan subalit pbase sa batas ng Sweden ay kailangan lamang nito ng majorit ng parlyamento para hindi bumoto laban sa kaniya.
Sa kabuuang 349 na miyembro ng Riksdag ay mayroong 174 bumoto laban sa kaniya kung saan mayroong 117 ang bumuto sa kaniya at 57 ang nag-abstain.