-- Advertisements --

Maghihigpit na ngayon ang gobyerno ng Sweden sa pag-mamay-ari ng mga baril.

Isinagawa ang anunsiyo ilang araw matapos ang madugong pamamaril sa isang paaralan na ikinasawi ng pitong babae at apat na lalaki.

Ang 35-anyos kasi na suspek na si Rickard Andersson ay mayroong apat na legal na rifles kung saan tatlo sa dito ay kaniyang ginamit sa pamamaril.

Ayon sa mga mambabatas sa Sweden na magpapasa sila ng mga batas para mapalakas ang paghihigpit sa pagbabawal ng pagbili ng mga armas lalo na ang mga malalakas na uri ng baril.

Giit din ni Prime Minister Ulf Kristersson na titiyakin ng kaniyang gobyerno na ang mga makakabili ng baril ay yung mga nararapat lamang.

Base sa datus nila na halos 600,000 na mga Swedes sa mahigit na 10.5 milyon na populasyon ng bansa ang may-ari ng mga baril.

Magugunitang itinuturing ng gobyerno na ang nangyaring pamamaril noong nakaraang mga araw ay itinuturing ng gobyerno na pinaka-matinding pangyayari sa kasaysayan ng Sweden.