-- Advertisements --
Itinanggi ng Sweden na kasama sila sa bansa sa Europa na tinukoy ng World Health Organization (WHO) na may pagtaas muli ng kaso ng coronavirus.
Sinabi ni Swedish state epidemiologist Anders Tegnell, na hindi sapat ang hawak na data ng WHO.
Dagdag pa nito na kaya tumaas ang kaso ay dahil sa marami na silang isinasailalim sa testing.
Nauna rito sinabi ni WHO Regional Director Hans Henri Kluge na kasama ang Sweden bilang European Union member state na mayroong 155 infections sa 100,000 inhabitants sa nakaraang 14 na araw.
Kasama ng Sweden na may kakaibang pagtaas ay ang mga bansang Moldova, North Macedonia, Albania, Bosnia-Herzegovina, Ukraine, Kosovo, Armenia, Azerbaijan at Central Asian states of Kyrgyzstan and Kazakhstan.