-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong world record si Swedish pole vault star Mondo Duplantis.

Ito ay matapos na kaniyang natalon ang 6.24 meters sa kaniyang ikatlong attempt.

Una rito ay kaniyang naabot ang 6.10 meters at nabasag ang record ni Thiago Braz ng Brazil.

Magugunitang nadepensa ni Duplantis ang kaniyang Olympic title sa pole vault kung saan siya lamang ang tanging nakapag-clear ng six meters.

Pumangalawa si Sam Kendricks ng USA at pangatlo si Emmanouil Karalis ng Greece.