-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si Swedish Prime Minister Stefan Lofven.

Ito ay matapos na mabigo sa no-confidence vote ang kaniyang Social Democrat Party.

Tinanggal kasi ng Left Part ang kaniyang suporta sa Lofven kaya hindi ito nakakuha ng sapat na upuan sa parliyamento.

Ipinasa ni Lofven ang kaniyang resignation sa speaker ng parliyamento at sila na rin ang maghahanap ng kapalit ni Lofven.

Si Lofven ay dating union boss at welder na namuno ng fragile minority coalition sa Greens mula taong 2018.