-- Advertisements --
Julian Assange

Balak buksan ng Swedish government ang kasong panggagahasa ni Wikileaks co-founder Julian Assange.

Ayon sa Swedish prosecutors, ito ay base na rin kahilingan ng mga abogado ng mga biktima.

Nagbunsod ang kaso matapos na ireklamo ang 47 anyos na si Assange ng dalawang babae habang sila ay nasa Stockholm noong 2010 sa Wikileaks conference.

Ibinasura ng Swedish prosecutors ang kaso noong 2017 dahil sa pagtago na ni Assange sa Ecuadorian embassy.

Muling pag-aaralan ng mga prosecutors ang rape case at magdedesisyon sila kanila ito itutuloy bago matapos ang statue of limitations hanggang Agosto 2020.

Magugunitang inaresto ng mga British police si Assange matapos ibasura na ng Ecuador ang asylum nito.

Nahaharap ito ng kaso sa US dahil sa pagsiwalat ng mga sensitibong dokumento.