-- Advertisements --

Nanguna si Iga Swiatek sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings.

Kasunod ito sa tagumpay niya sa San Diego Open.

Tinalo kasi ng Polish tennis player si Donna Vekic ng Croatia.

Dahil dito ay mayroon na siyang 64 match panalo ngayong 2022.

Pumangalawa naman sa listahan si Ons Jabeur ng Tunisia, habang nasa pangatlong puwesto si Anett Kontaveit ng Estonia, pang-apat naman si Aryna Sabalenka ng Belarus at pang-liman si Jessica Sakkari ng Greece.