-- Advertisements --
Nakuha ng swimmer na si Ernie Gawilan ang unang gintong medalya ng bansa para sa 4th Asian Para Games sa Hangzhou, China.
Nanguna ito sa men’s 400 meter freestyle S7 title.
Tila nakabawi si Gawilan mula sa bronze medal na nakuha niya noong nakaraang araw sa 200 meter individual medley.
Sinabi nito na kakaibang karanasan ang magwagi ng gintong medalya lalo na para sa bansa.
Pumangalawa naman si Soong Toh Wei ng Singapore habang si Huang Xiangquan ng China ay nasa pangatlong puwesto.
Magugunitang nakakuha na ng silver medal ang Pilipinas sa pamamagitan ni wheelchair racer Jerrold Mangliwan sa 100 meters T52.