-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hong Kong-Australian swimmer Kenneth To sa edad 23.

Ito ay matapos na dapuan ng sakit habang nagsasanay sa Florida.

Hindi na isinawalat pa ng kampo nito ang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Nag-uwi si To ng anim na medalya para sa Australia noong 2010 Youth Olympics sa Singapore kabilang na ang gold medal sa 400-meter medley at silver medal noong 2013 world championships.

Noong 2013 ay kabilang siya sa panalo ng silver medal ng Australia sa 400 medley relay na ginanap sa Barcelona.

Ipinanganak sa Hong Kong bago lumipat ang pamilya nito sa Australia at nagpalit ng nationality noong 2016 para makapaglaro sa Hong Kong at kasalukuyang nagsasanay sa 2020 Tokyo Olympics.

Nasa Florida ang 26-anyos na swimmer para sa tatlong buwang training camp sa Gator Swim Club sa University of Florida sa Gainesville.