-- Advertisements --
Patay ang isang swimmer matapos na atakihin ng pating sa isang dagat sa Sydney, Australia.
Ayon sa New South Wales Police naganap ang insidente sa Little Bay Beach sa Buchan Point, Malabar.
Dahil sa dami at tindi ng sugat na tinamo ng biktima ay hindi na ito umabot ng buhay sa pagamutan.
Isasara ng ilang araw ang nasabing dagat.
Ikinagulat naman ni Randwick mayor Dyland Parker ang pangyayari dahil ngayon lamang ito nangyari.
Patuloy ang isinasagawa ng mga otoridad ng imbestigasyon sa nangyaring insidente.