-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong record ang swimmer na si Krystal David mula sa National Capital Region (NCR) sa 100 meters breaststroke.

Nakamit nito ang isang minuto at 17.98 segundo event nitong Martes sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa na ginanap sa Marikina Sports Center.

Dahil sa panalo ay nakamit nito ang gintong medalya na siyang nagdagdag sa paghakot ng NCR ng medalya.

Nabasag nito ang record na 1:19:35 na hawak ni Raissa Gavino nong 2018.

Pumangalawa naman si Azula Eliza Villanueva ng Region 3 habang ang pambato naman ng Regon 10 na si Cathlene Hengania ang nakakuha ng bronze medal sa nabanggit na event.