-- Advertisements --

Nakahanda na ang bansa para sa hosting nito ng qualifying event para sa Paris Olympics.

Magaganap ang 11th Asian Age Group Championships mula Pebrero 26 hanggang Marso 9 sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.

Ang nasabing torneo ay magsisilbi bilang qualifiers para sa Paris Olympics ngayon taon.

Sinabi ni Philippine Aquatics Inc. secretary-general Eric Buhain na malaking oportunidad ang paghost ng bansa dahil asahan ang pagdalo ng mga iba’t-ibang international swimmers mula sa ibang mga bansa.

Nasa 1,300 na mga atleta mula sa 31 bansa ang inaasahang darating sa bansa para sa nasabing torneo.

Maglalaban-laban ang mga ito sa apat na disciplines ang swimming, diving, artistic swimming at water polo.

Paglilinaw nito na tanging ang swimming lamang ang magsisilbing qualifier para sa Olympics.