-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Magkakaroon ng meeting ang mga kinatawan ng South Cotabato Swine Producers Association Inc. o SOCOSPA kasama si Mayor Ronnel Rivera mamayang hapon.

Ito’y para pag-usapan ang mga preventive measures may kinalaman sa African Swine Fever o ASF.

Ayon sa presidente ng SOCOSPA na si Ramil Lim, makikipagtulungan sila sa GenSan-local government unit para hindi malusutan ng ASF.

Sa ngayon, patuloy aniya ang pagbabantay sa mga seaports at airports at hindi sila nagpapasok ng mga live animals.

Gayunman, walang pumapasok na baboy galing sa ibang lugar dahil nasa Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, General Santos) ang mga breeder farm na siyang nagbebenta palabas ng Mindanao at ibang pang rehiyon sa bansa.

Idinagdag pa nito na kailangang bantayan na hindi makalusot ang mga raw materials sa Pilipinas galing sa mga apektadong bansa gaya ng China, Europe at Ukraine.

Nanawagan din ito sa publiko na huwag mag-alala sa ASF dahil hindi pa apektado ang Pilipinas subalit panatilihin umano ang kalinisan sa mga inaalagaang baboy.