-- Advertisements --
Patay ang 19-anyos Swiss Mot3 rider na si Jason Dupasquier matapos na masangkot sa aksidente sa qualifying round ng Italian Grand Prix.
Ayon sa MotoGP, naaksidente ang motor ni Dupasquier habang ito ay lumiliko sa karera.
Agad na dinala sa Careggi Hospital sa Florence ang biktima subalit hindi na nagtagal ang buhay nito dahil sa matinding pinsala na kaniyang natamo.
Labis naman na nalungkot ang koponan nitong Prustel GP dahil sa pangyayari.
Nasa ranked 12 si Dupasquier at pangalawang season na nito sa Moto3 World Championship.
Nagsimula ang career nito sa Supermoto at siya ay multiple-time Swiss National champion.