CAUAYAN CITY–Dinaluhan nina DOE Secretary Alfonso Cusi at Administrator Retired General Ricardo Visaya ng National Irrigation Administration (NIA) ang switch on ceremony ng pilot floating solar project sa Ramon, Isabela
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni NIA Administrator Visaya na labag sa kanyang kalooban ang pagtatayo ng mga solar power generation project dahil ang tinatamaan ay ang mga farm land ngunit nabago ang pananaw ng makita ang floating solar panel para sa renewable energy.
Ito ang naging pahayag ng NIA administrator sa isinagawang switch on ceremony ng pilot floating solar project ng isang malaking kumpanya .
Inihayag pa ni NIA Administrator Visaya na kung ang pagpapatayuan ng mga solar project ay sa mga dam sa bansa ay hindi na maapektuhan ang food security ng bansa.
Aniya, tatlong bagay ang pangunahing makikinabang nito; ang food security, power and environment.
Bukod kina DOE Sec. Cusi at NIA Administrator Visaya ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din ng iba’t ibang kinatawan ng ahensya ng pamahalaan kabilang si Cabinet Secretary Carlo Nograles at Norway Ambassador to the Philippines Bjørn Jahnsen.
Ang proyekto ay nasa pilot testing pa lamang at tatagal ito ng isang taon kung saan ay kanilang oobserbahan kung anong mangyayari kapag mataas ang level ng tubig sa dam at kung may malakas na mga bagyo na darating at ang magiging epekto nito sa mga yaman na matatagpuan sa magat dam.