-- Advertisements --
Magbibigay ang gobyerno ng Switzerland ng milyong face mask kada araw sa mga pamilihan.
Ayon kay Health Minister Alain Berset, na hindi muna sila magpapatupad ng mandatory na pagsusuot ng face mask dahil malapit na nilang luwagan ang ipinapatupad na lockdown.
Tutulong ang kanilang mga sundalo para sa pagbibigay ng mga face mask araw-araw sa mga pamilihanhanggang sa loob ng dalawang linggo para may mabili ang kanilang mga mamamayan.
Bagamat hindi mandatory ang pagsusuot ng face mask ay pinapahalaga pa rin nila ang pagsasagawa ng social distancing at ang regular na paghuhugas ng kamay.
Umabot na kasi sa mahigit 28,000 ang nadapuan ng virus sa bansa at mahigit 1,200 na rin ang nasawi matapos dapuan ng virus.