-- Advertisements --
Nakatakdang pagbotohan ng mga mambabatas sa Switzerland sa araw ng Linggo ang pagpayag nila sa same-sex marriage.
Kasama rin sa nasabing pagbobotohan ang pag-ampon ng mga nagsasama ng parehas na kasarian ganun din ang karapatan ng mga LGBT activist.
Dahil dito ay magiging pinakahuling bansa ang Switzerland sa Western Europe na mag-legalize ng same-sex marriage.
Noong 2007 ay pinayagan na sa Switzerland ang civil union pero ang same-sex couples na nag-formalize ng kanilang relationships ay hindi maaaring makapag-ampon at makasali sa fertility treatments kabilang ang sperm donations.
Magugunitang ang the Netherlands ang unang bansa na nag-legalized ng same-sex marriage noong 2001 na sinundan ng Belgium noong 2003, Spain at Canada noong 2005.