-- Advertisements --
Nakuha ng Switzerland ang may pinakamasarap na cheese sa buong mundo.
Ito ang naging resulta sa 2022 World Cheese Awards na ginanap sa Newport, Wales.
Aabot sa 4,434 cheeses mula sa 42 bansa ang lumahok.
Dito ay isa-isang inusisa ng 250 judges ang nasabing mga cheese.
Ang Le Gruyère AOP surchoix na gawa ng Swiss cheese maker na Vorderfultigen at affineur (refiner) Gourmino ang nangibabaw sa lahat.
Gawa ang nasabing cheese mula sa gatas ng baka.
Pumangalawa naman ang Gorgonzola Dolce DOP mula sa Italy.