-- Advertisements --

Napigilan ng mga otoridad sa Switzerland ang tangkang pag-atake ng mga terorista.

Ito ay matapos na maaresto nila ang apat na suspek na konektado sa Al-Qaeda at Islamic State (IS) group.

Isinagawa ang pag-aresto sa Fribourg sa western Switzerland na binubuo ng tatlo mula sa Kosovo at isa mula sa Macedonia.

Ang apat na suspek na tatlong lalaki at isang babae ay inakusahan ng paglabag sa Al-Qaeda at IS at ilang terorist group.