-- Advertisements --

Nakapasok na sa round of 16 ang Switzerland matapos talunin ang Serbia 3-2 sa Group G match sa nagpapatuloy na 2022 FIFA World Cup sa Qatar.

Naging mabagal ang laro ng ranked 21 na Serbia at ranked 15 na Serbia sa unang half sa laro na ginanap sa Stadium 974.

Unang nakapasok ng goal mula kay Xherdan Shaqiri sa loob ng 20 minuto ng laro at matapos ang anim na minuto ay gumanti naman ang Serbia sa pamamagitan ni Aleksandar Mitvovic na sinundan ni Dusan Vlahovic.

Bumanat agad ang Swiss team sa pamamagitan ng goal ni Breel Embolo na sinundan ni Remo Freuler para makuha ng Swiss ang kalamangan na 3-2.

Hinawakan na ng Switzerland team ang kalamangan hanggang tuluyang hindi makapag-goal ang Serbia sa huling segundo ng laban.

Susunod na makakaharap ng Switzerland ang Portugal sa darating na Disyembre 7 para sa knockout stage.