-- Advertisements --

Lima sa bawat 10 Pilipino lamang ang umaasa na magiging masaya ang pagdiriwang ng Pasko sa harap ng COVID-19 pandemic.

Sinasabing ito na ang pinakamababa sa record ng Social Weather Stations (SWS) mula sa dating record-low na 62% na naitala noong 2013, 2006, at 2005.

Noong nakaraang taon, 79% ng mga Pinoy ang naniniwala na magiging masaya ang kanilang Pasko.

Pinakamarami sa Mindanao na may 65% ang naniniwalang maligaya ang Pasko, na sinusundan ng Visayas na may 57%, nalalabing bahagi ng Luzon na may 42%, at Metro Manila na may 36%.

Sa kabilang dako, 15% ng mga Pilipino ang naniniwala na magiging malungkot ang Pasko ngayong taon.

Record-high ang naturang porsyento dahil nalampasan nito ang 11% noong 2011.

Habang noong 2019, tanging 2% lamang ang nagsabing magiging malungkot ang Pasko.

Samantala, ang ekspektasyon sa masayang Pasko ay mas mataas sa mga pamilyang nakaranas ng kagutuman sa nakalipas na tatlong buwan.

Mataas din ito sa mga pamilyang itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap, maging sa mga naniniwalang lumala ang kalidad ng kanilang buhay.

Samantala, ang nalalabing 33% ng mga respondents ang nagsabi na hindi nila tiyak kung magiging masaya o malungkot ang kanilang Pasko.