-- Advertisements --

Naniniwala umano ang karamihan sa mga Pilipino na naghirap sila lalo mula nang magsimula ang pandemya.

Batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations nitong Nobyembre 21 hanggang 25, 62% ng mga Pinoy ang nagsabing mas humirap ang kanilang buhay ngayong may health crisis.

Umabot sa 48% ng mga pamilyang na-survey ay tinuturing ang kanilang sarili na “Poor”; 36% ang tinuturing na “Borderline Poor”; at tanging 16% ang nakaramdam na hindi sila naghirap.

“The Self-Rated Poor are those who belong to households whose heads rated their family as poor or mahirap. This status is then adopted for all members of the household,” saad ng SWS.

Sa inilabas na ulat ng SWS, -48 ang net gainers score na lumabas sa survey, na ibig sabihin ay “extremely low.”

“The November 2020 Net Gainer score is up by 28 points from the catastrophic -76 in September 2020, softening SWS’s worst survey trend that started during the Covid-19 crisis when Net Gainers fell to catastrophic levels of -78 in May 2020 and -72 in July 2020,” dagdag sa report.

Nanatiling “catastrophic” ang Metro Manila, pero gumaan ito sa “extremely low” sa Balance Luzon at Mindanao.

Saad pa sa SWS report, kasabay ng pagdaing ng mga Pinoy ay lumala rin sa mga lugar na ito ang kagutuman.

“The November 2020 survey found that 16.0% or an estimated 4.0 million families experienced involuntary hunger due to lack of food to eat at least once in the past three months,” anang SWS.