-- Advertisements --
sws survey 06.18.2020

Batid umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nararanasang paghihirap ng karamihan sa mga Pilipino makaraang maparalisa ang ekonomiya ng bansa dahil sa hinaharap nitong coronavirus pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na raw ikinagulat ng Malacañang ang naging resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan lumabas na 83% ng mga Pilipino ang naniniwalang mas lalo raw silang naghirap sa lumipas na 12 buwan.

Ito ay di hamak na mas mataas sa record high na 62% na naitala noong June 2008.

Dagdag pa ni Roque na dapat daw ay 100% ng populasyon ang nagsabi nito dahil dalawang buwan isinailalim sa complete lockdown ang bansa.

Batay din sa survey ng ahensya mula May hanggang 10 ay b10% lamang ang nagsabing wala silang naramdamang pagbabago at record low 6% lamang ang nagsabi na naging daan pa ang pandemic para umayos ang kanilang buhay.

Ito’y mas mababa naman ng 9% sa naitala noong July 1985.

Tinawag ng poll body na “Losers” ang 83% na nagsabing humirap ang kanilang buhay habang “Gainers” naman ang mga nagsabing bumuti ito at “Unchanged” naman ang mga walang nagbago.

Magugunita na buwan ng Marso noong ipatupad ng national government ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) sanhi para ipagbawal ang mass transportation at mass gathering.