-- Advertisements --

Nilinaw ng American actor na si Sylvester “Rocky” Stallone na hindi umano aso ang dahilan ng hiwalayan ng kanyang ex wife na si Jennifer Flavin matapos ang 25 years na sila ay mag-asawa

Ayon kasi sa ilang ulat, nangyari daw ang hiwalayan nang dumating ang rottweiler dog, ngunit hirit ng aktor “hindi namin tinapos ang kanilang relasyon sa maliit na argumento.”

Aniya pa niya magkaiba lang daw sila ng tinahak na direksyon pero malaki pa rin ang respeto niya kay Jennifer dagdag pa niya na kamangha mangha at magandang babae si Flavin.

Sa kabilang banda naman nasabi ni Flavin na sa loob ng 25 years ng pagsasama nila ni Stallone ay aalalahanin niya ang panahong ito.

Sa ngayon ay nakatuon lang sila sa kanilang anak na babae. (Bombo Merry Chill Emprido)