Walang dapat ipangamba ang publiko sa posibilidad na maglunsad ng retaliatory o sympathy attack ang mga ISIS-inspired groups sa bansa, bilang paghihiganti sa pagkakapatay ng US sa Top Iranian general na si Qassem Soleimani.
Ayon kay Western Mindanao Command (WestMinCom) Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana malabong maglunsad ng pag-atake ang mga ISIS inspired groups dahil kalaban ng mga ISIS si Soleimani.
Gayunpaman, sinabi ng heneral hindi sila nagpapakampante.
Sa katunayan, pinalakas pa nila ang kanilang intelligence network para mamonitor kung may mga grupong maglunsad ng sympathy attacks.
“Well I don’t think so, dahil yung Iranian general na napatay ay kalaban ng ISIS, in fact siya ang nagbuwag ng ISIS a few years back kaya na-dismantle yung ISIS sa Iraq at Syria because of him so there will be no sympathy from the local terrorists group. I think theres nothing to worry,” pahayag ni Sobejana.