-- Advertisements --
image 218

Natanggap na ng Syria ang tulong mula sa United Nations na humanitarian assistance para sa mga biktima ng naganap na magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria.

Isang aid convoy ang dumaan sa bagong bukas na borders ng Sryia upang mas mapabilis ang pagdadala ng mga tulong sa naapektuhan ng malakas na pagyanig.

Kaugnay niyan, isang caravan ng 11 United Nations trucks ang pumasok sa Syria sa pamamagitan ng muling binuksang Bab al-Salama border point, matapos pumayag ang Damascus na hayaan ang world body na gamitin ang naturang daan para sa mga tulong.

Sa ngayon, inamin ng United Nations at iba pang opisyal ng Syria na ang focus na ng gobyerno ay ang pagbibigay ng pagkain at tirahan sa libu-libong biktimang nangangailangan.