Pumayag na ang Syrian government sa request ng Kurdish fighters na magpadala ng dagdag tropa militar sa northern border ng bansa upang magsilbing back-up ng mga ito laban sa patuloy na pag-atake ng Turkey.
Magsisilbi umanong malaking pagsubok ito para sa Kurdish army matapos tuluyang bawiin ng United States ang kanilang pwersa militar para maiwasan na madamay ang mga ito sa lumalalang girian sa pagitan ng dalawang kampo.
Ayon sa Kurdish-led administration sa northern Syria, magdedeploy umano ng karagdagang Syrian army sa palibot ng border bilang parte ng kanilang kasunduan.
Ang naturang deployment ay upang tulungan ang Syrian Democratic Forces (SDF) na pantayan ang agresibong pag-atake ng Turkish army.
Sa kabila ng pangamba sa posibilidad na maaaring manumbalik ang Islamic States (IS) dahil sa gulo, kinumpirma ng Kurdish officials na aabot na sa 800 kaanak ng foreign IS member ang nakatakas mula Ain Issa.