
Patay ang 14-taong gulang na batang lalaki sa Austria matapos marahas na pagsasaksakin nang 23-taong-gulang na Syrian asylum seeker na kinilala ng mga awtoridad bilang si Ahmad G.
Ayon sa mga ulat bandang alas-4 ng hapon, Pebrero 15, oras sa Austria ng mangyari ang insidente sa Villach kung saan gamit ng suspek ang malaking kutsilyo sa pananaksak na nagresulta naman ng pagkamatay ng batang lalaki at ikinasugat ng limang iba pa.
Natigil ang rampage habang sinagasaaan umano ng food delivery driver ang suspek na kalaunan ay kinilala ng mga awtoridad na si Alaaeddin Alhalabi, 42-taong gulang at isang Syrian.
Samantala patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung si Ahmad G. ay may kasabwat at kung may koneskyon ang pag-atake sa anumang Islamist activity.
Batay naman sa mga nakasaksi ng insidente sinabi ng mga ito na narinig nila ang suspek na sumisigaw ng “Allahu Akbar” habang siya ay tumatawa at nanaksak.
Nagdulot naman ng mga alalahanin ito sa mga awtoridad hinggil sa posibilidad ng terorismo. Gayunpaman, hindi pa nakumpirma ng mga awtoridad kung ang pag-atake ay isang teroristang aksyon o kung si Ahmad G. ay may problema lang sa pag-iisip.
Sinuri rin ng mga awtoridad ang kaniyang application para sa asylum at kung ilang oras ang ginugol nito sa asylum center ngunit hindi pa malinaw kung ang suspek ay kilala na ng mga awtoridad bago paman ang insidente.
USAPIN SA IMMIGRATION
Matinding talakayan sa politika ang bumalot sa Austria ukol sa mga patakaran sa asylum ng bansa.
Ang mga Politiko mula sa ibang mga partido partikular sa Freedom party ay kinondena ang pag-atake kung saan inakusahan si party leader Herbert Kickl para sa ”disastrous asylum policy” umano nito na naging sanhi ng karumaldumal na karahasan.
Dahil dito bumuo si Kickl ng resolusyon ukol sa mas mahigpit na pag-papatupad sa mga naghahanap ng asylum at ang pag-deport sa mga Syrian at Afghanistan.
Ang pamahalaan naman ng Austria ay nahaharap sa pressure dahil sa patuloy na pagdami ng mga appliction na humahanap ng asylum sa bansa na base sa datos nito umabot na sa 25,000 na mga foreigner ang nag-apply para sa asylum noong 2024. Kabilang dito ang isang malaking bilang ng mga aplikante mula sa Syria at Afghanistan, mga bansang may nakakaranas ng sigalot.
Sa kabilang banda ang gobernador ng Carinthia, kung saan matatagpuan ang Villach na si Peter Kaiser, ay nanawagan sa pamahalaan ng pinakamabigat na parusa sa sinumang lumabag sa batas.
ALALAHANIN SA EUOPEAN ALLY
Ilang araw lang matapos ang pagatake sa Austria ay hindi lamang nagdulot ng pagkabigla sa bansa kundi pati na rin sa mga karatig-bansa nito.
Matapos kasi ang insidente noong Huwebes, Pebrero 13 na kinasangkutan ng Afghan refugee sa Munich, Germany na bumangga ng kotse sa isang tao at ikinasugat ng maraming tao ay nagbigay ng talakayan ng mga lider sa Europa tungkol sa mga patakaran sa Immigration.

Kung saan ang mga kilalang tao tulad ni Elon Musk ay binatikos ang mga lider ng Europa tungkol sa kanilang pamamahala sa immigration policies nito at panganib dulot ng mga asylum seekers.
Ang insidenteng ito sa Villach ay hindi lamang nagbigay-diin sa patuloy na alalahanin tungkol sa immigration, kundi nagtanong din tungkol sa seguridad ng mga asylum seekers sa Europa. Habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Austria Police, inaasahan naman ang epekto ng insidente ay magdudulot ng matinding impluwensya sa mga patakaran ng bansa ukol sa asylum at immigration sa hinaharap.