-- Advertisements --

Nakaditine na sa Bureau of Immigration (BI) detention facility sa Bicutan, Taguig City ang isang Syrian national na gumamit ng pekeng Kiribati passport at tinangkang makapasok sa bansa.

Ayon kay (BI) port operations chief Grifton Medina, ang suspek ay kinilalang si Al Naasan Ibrahim, 19-anyos.

Lumalabas na inamin din umano ng suspek ang kanyang tunay na nationality at ipinakita ang tunay na pasaporte na nakatago sa kanyang luggage.

Naaresto ang suspek sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Pebrero 22.

Nakasakay ang suspek sa Malaysian Airlines flight mula sa Kuala Lumpur.

“He initially presented a Kiribati passport which drew the suspicion of the immigration officer, who then referred the passenger for secondary inspection,” ani Medina.